Mga natulungan ng PH Red Cross sa nagdaang Holy Week break, umabot sa higit 8,000

By Rhommel Balasbas April 22, 2019 - 01:46 AM

Umabot sa 8,440 indibidwal na nakilahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa Semana Santa ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Red Cross.

Sa pinakahuling datos ng PRC alas-6:00 ng gabi ng Linggo, sinabi ng Red Cross na pitong major cases ng fractures, zeisure at loss of consciousness ang kanilang tinugunan.

Dalawampu’t siyam naman ang dinala sa mga ospital dahil sa pagkahimatay, labis na pananakit ng katawan, kahirapan sa paghinga at head trauma.

Umabot naman sa 433 ang tinulungan ng Red Cross matapos makaranas ng minor injuries tulad ng sugat, sprain, muscle cramps, jellyfish sting, pagkahilo at pagsusuka.

May nangailangan din ng psychosocial support, referral at tracing na umabot sa 145.

Samantala, pinakamarami ang bilang ng kinailangang mamonitor ang blood pressure na umabot sa 7,826.

Nagpasalamat ang PRC sa kanilang mga staff at volunteer na iginugol ang kanilang mga oras para makapagserbisyo sa nagdaang long weekend.

Nagbigay ng serbisyong medikal ang PRC sa mga beach at pool resorts, simbahan, bus terminals, parke, pantalan at highways.

TAGS: holy week break, medical assistance, Philippine red Cross, holy week break, medical assistance, Philippine red Cross

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.