Heat index sa Dagupan, Pangasinan kahapon pumalo sa 49.6 degrees Celsius
Muling nakapagtala ng napakataas na heat index sa Dagupan, Pangasinan kahapon, Easter Sunday sa 49.6 degrees Celsius.
Mababa lamang ito sa 51.7 degrees Celius na heat index record noong April 9.
Bukod sa Dagupan, 14 pang lugar ang nagtala ng mataas na heat index na nasa danger category o mula 41 degrees Celsius hanggang 54 degrees Celsius.
Kabilang dito ay ang Tayabas, Quezon, pangalawang may mataas na heat index sa 47.3 degrees Celsius na sinundan ng Sangley Point, Cavite, pangatlo sa 46.2 degrees Celsius.
Kapag nasa danger category ang heat index, mapanganib ang heat cramps at heat exhaustion sa mga tao at ang patuloy na aktibidad ay maaaring mauwi sa heat stroke.
Nauna nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na protektahan ang kanilang mga sarili sa sikat ng araw at palaging uminom ng tubig.
Ayon sa PAGASA, patuloy na mararanasan ang mainit na panahon dahil sa umiiral na easterlies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.