Parisians, nanalangin sa mabilisang pagsasaayos sa Notre-Dame Cathedral
Daan-daang Parisians ang nagtipun-tipon sa Saint-Eustache Catholic church para ipagdiwang ang Easter Sunday sa kabila ng trahedyang kinaharap ng Notre-Dame Cathedral.
Dalangin ng mga Katolikong Parisians ang mabilisang pagsasaayos sa katedral.
Sa Easter Sunday Mass na pinangunahan ni Paris Archbishop Michel Aupetit, inihalintulad ang planong rekonstruksyon sa katedral sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
“We will rise up again and our cathedral will rise up again,” ani Aupetit.
Kabilang sa mga dumalo sa Sunday Service sina Paris Mayor Anne Hidalgo at Paris fire service head General Jean-Claude Gallet.
Sa kalagitnaan ng misa ay binigyan ng kongregasyon ng palakpak si Gallet bilang pagkilala sa 400 bumberong hindi ininda ang panganib mailigtas lamang ang makasaysayang katedral mula sa sunog.
Nasira ng apoy ang spire at bubong ng katedral.
Nauna nang ipinangako ni President Emmanuel Macron na aayusin ang Notre Dame Cathedral sa loob lamang ng limang taon at ang mga mamamayan ng France ay makikilahok para rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.