Phoenix wagi kontra San Miguel sa 2019 PBA Cup semis

Tinapos na ng Phoenix Fuel Masters ang tumal sa pagkapanalo sa 2019 PBA Philippine Cup Semifinals.

Ito ay matapos magwagi ang Fuel Masters kontra San Miguel Beermen sa kanilang laban kagabi sa Araneta Coliseum sa iskor na 92-90.

Mula sa 0-2 na win-loss record sa best-of-seven series ay gumanda na sa 2-1 ang standing ng koponan.

Kahit na may sakit, ang pagpasok ni Matthew Wright sa free throws ang nagbigay daan para makuha ng Phoenix ang kanilang unang panalo sa semifinals.

Pinuri ni Phoenix coach Louie Alas ang katatagan ng kanyang mga manlalaro.

Nanguna pasa sa Phoenix si Calvin Abueva at Wright na parehong may tig-18 puntos.

Nanguna naman para sa Beermen si June Mar Fajardo na may 22 puntos.

Read more...