Pope Francis mariing kinondena ang mga pag-atake sa Sri Lanka

By Rhommel Balasbas April 22, 2019 - 12:17 AM

AP Photo

Mariing kinondena at tinawag na kalupitan ni Pope Francis ang serye ng mga pag-atake sa mga hotel at simbahan sa Sri Lanka na ikinasawi ng 207 katao.

Nagpahayag ng kalungkutan ang Santo Papa sa mga pag-atake na naganap kasabay mismo ng pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

“I learned with sadness and pain of the news of the grace attacks, that precisely today, Easter, brought mourning ang pain to churches and other places where people were gathered in Sri Lanka” ani Pope Francis sa kanyang “Urbi et Orbi” message.

Ayon kay Pope Francis, siya ay nakikiisa sa mga biktima ng karahasan sa buong Kristiyanong komunidad lalo na sa Sri Lanka na anya’y malapit sa kanyang puso.

Magugunitang binisita ng Santo Papa ang naturang bansa taong 2015.

“I wish to express my affectionate closeness to the Christian Community, hit while it was gathered in prayer, and to all the victims of such cruel violence”, ani Pope Francis.

Sa huli sinabi ng lider ng Simbahang Katolika na itinataas niya sa Panginoon ang kaluluwa ng mga nasawi at ipinanalangin niya rin anya ang iba pang mga sugatan bunsod ng insidente.

TAGS: Easter bombing, pope francis, Sri Lanka, Sri Lanka blasts, Easter bombing, pope francis, Sri Lanka, Sri Lanka blasts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.