Walang napaulat na nasawing Pinoy sa pagsabog sa Sri Lanka – DFA

By Angellic Jordan April 21, 2019 - 09:01 PM

Walang napaulat na nasawi at nasugatang Filipino sa pagsabog sa Sri Lanka, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, sinabi ni Ambassador to Bangladesh Vicenter Vivencio Bandillo mula sa Emhabada ng Pilipinas sa Dhaka na patuloy ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Honorary Consul to Colombo Hug Sriyal Dissanayake.

Ito ay para makakuha ng pinakahuling impormasyon sa lagay ng Filipino community sa lugar.

Nakatutok din ang embahada sa sitwasyon at handang pagpadala ng tulong kung kinakailangan.

Nasa 138 ang kumpirmado nasawi sa walong pagsabog sa ilang simbahan at hotel sa Colombo, Sri Lanka.

Nagparating naman ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng mga biktima.

TAGS: DFA, Sri Lanka, DFA, Sri Lanka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.