Dry run ng provincial bus ban sa EDSA, sisimulan sa Lunes (April 22)
Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ipatutupad na dry run ng provincial bus ban sa Edsa simula sa araw ng Lunes, April 22.
Ayon kay MMDA Edsa traffic head Bong Nebrija, hindi na maaaring magsakay o magbaba ng mga pasahero sa Edsa simula sa Lunes.
Lahat aniya ng mga darating na pasehero mula sa iba’t ibang probinsya ay bababa sa mga terminal.
Sinabi pa ni Nebrija na magpapatupad ng “No Day Fff, No Absent” policy ang MMDA para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Linggo ng gabi.
Sa ngayon, hindi pa aniya hapit ang mga bus station sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.