Palasyo, nakiramay sa mga biktima ng pagsabog sa Sri Lanka

By Angellic Jordan April 21, 2019 - 08:33 PM

Nagparating ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa naganap na pagsabog sa ilang simbahan at hotel sa Sri Lanka sa Linggo ng Pagkabuhay.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakikiisa sa panalangin ang Pilipinas sa mga residente ng Sri Lanka lalo sa mga kaanak ng mga biktima ng pag-atake.

Batid aniya ng Palasyo ang agarang paggaling ng mga nasugatan sa pagsabog.

Kasama ang iba pang bansa, sinabi ni Panelo na naniniwalang walang lugar ang terorismo sa ating komunidad.

Suportado naman aniya ng Pilipinas ang Sri Lanka at iba pang bansa na nakararanas ng naturang karahasan.

TAGS: Salvador Panelo, Sri Lanka, Salvador Panelo, Sri Lanka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.