Naitala ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila sa araw ng Linggo o Linggo ng Pagkabuhay (April 21).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Roxas, umabot sa 36.6 degrees Celsius ang temperatura sa Science Garden sa Quezon City bandang 2:56 ng hapon.
39 degrees Celsuis ang nakuhang heat index o init na nararamdaman ng katawan ng tao habang 36 porsyento naman ang humidity sa nasabing lugar.
Samantala, narito ang naitalang temperatura sa mga sumusunod na lugar:
Baguio City – 27 degrees Celsius
Legazpi City – 34 degrees Celsius
Cebu City – 34 degrees Celsius.
Ayon sa PAGASA, posibleng pang maramdaman ang 36 degrees Celsius na temperatura sa Metro Manila sa susunod na tatlong araw.
MOST READ
LATEST STORIES