Holiday non-stop bus hindi tinatangkilik ng publiko

By Erwin Aguilon December 07, 2015 - 08:57 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tatlong araw matapos ilunsad noong Sabado (December 5), kakaunting pasahero lamang ang tumatangkilik sa non-stop holiday bus ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa unang biyahe ng holiday non-stop bus galing SM North EDSA patungo sa Glorietta 5 alas 6:00 ng umaga ay isa lamang ang pasahero ng bus. Pitong pasahero naman ang sakay ng parehong ruta ng bus na umalis ng alas 6:30 ng umaga.

Ang holiday non-stop bus naman na galing sa Trinoma at patungo sa Park Square sa Makati City, tatlong pasahero lamang ang sakay ng first trip, dalawang pasahero sa second trip at walong pasahero sa 3rd trip.

From MMDA
From MMDA

Ang nasabing biyahe ng mga bus ay mayroong tatlong ruta; ang Trinoma – Park Square Makati at pabalik, SM North Edsa – Glorietta 5 at pabalik at ang biyaheng SM Megamall – Park Square Makati at pabalik.

Alas 6:00 ng umaga ang unang biyahe ng galing sa SM North Edsa at SM Megamall, at may umaalis na bus kada tatlumpung minuto.

Habang 6:15 naman ng umaga ang first trip ng galing sa Trinoma at may umaalis na bus kada labinglimang minuto.

Dire-diretso ang biyahe ng bus at hindi magbababa at magsasakay maliban lamang sa lugar kung saan ang destinasyon nito.

From MMDA
From MMDA

Ayon sa MMDA, posibleng hindi pa alam ng ibang pasahero ang schedule ng biyahe ng mga non-stop na bus.

Isa naman sa mga pasahero na sumakay ng non-stop bus kanina ang nag-tweet at sinabing maaga siyang dumating sa kaniyang trabaho at nagkaroon pa ng oras para makakain ng breakfast.

Ang pamasahe sa nasabing bus ay P80 para sa galing ng Trinoma at SN North Edsa at P50 naman kung galing ng SM Megamall.

Hinikayat ng MMDA ang mga motorist lalo na ang may mga pribadong sasakyan na subukang gamitin ang nasabing transportasyon para makabawas sa traffic ngayong holiday season.

 

TAGS: Holiday non-stop bus, Holiday non-stop bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.