Mga programa ng gobyerno, hindi dapat gamiting election propaganda – DILG
Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi dapat gamitin ang mga programa ng gobyerno bilang election propaganda.
Ito ang pahayag ni DILG spokesman Jonathan Malaya sa mga tumatakbong kandidato sa 2019 elections sa Linggo ng Pagkabuhay.
Aniya, huwag nang sumingit sa mga proyekto ng gobyerno ngayong panahon ng eleksyon.
Dagdag pa nito, dapat aniyang maging mahigpit ang Code of Conduct of Government Officials sa mga public official at empleyado sa kanilang mga aktibidad lalo na tuwing campaign period.
Bilang non-partisan, nagbabala rin si DILG Secretary Eduardo Año sa publiko laban sa mga putilikong pinagsasamantalahan ang mga aktibidad ng gobyerno tuwing eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.