Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 4 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4 na lindol sa Batanes, Linggo ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 59 kilometers Southwest ng Sabtang dakong 7:16 ng gabi.

May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...