Mga motorista, unti-unti na ang pagdagsa sa NLEX

By Angellic Jordan April 21, 2019 - 06:30 PM SHARE(S):
NLEX Corporation Twitter photo

Nagsimula na ang pagdagsa ng mga bumibiyahe pabalik ng Metro Manila mula sa iba’t ibang lalawigan sa pagdaros ng Semana Santa.

Batay sa 4:20 PM udate ng NLEX Corporation sa kanilang Twitter account, sumikip ang trapiko sa bahagi ng Sta. Rita Exit dahil sa naganap na minor accident sa Shell of Asia sa Bulacan.

Makalipas ang ilang minuto, sinabi ng NLEX na maaari nang daanan ang lahat ng lane bandang 2:37 ng hapon.

Sumisikip na rin ang trapiko sa Balintawak at sa Candaba Viaduct.

Unti-unti na rin ang paghaba ng pila ng mga sasakyan sa Bocaue toll plaza.

Inaasahan pa ng NLEX ang mas matinding sitwasyon ng trapiko mamayang gabi.

Naghanda naman ang NLEX ng karagdagang toll booths para mas maraming motorista ang maasistihan.

TAGS: NLEX, Semana Santa, NLEX, Semana Santa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.