BJMP, walang naitalang untoward incident sa Semana Santa

By Chona Yu April 21, 2019 - 04:48 PM SHARE(S):

Walang naitalang untoward incident ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Semana Santa.

Ayon kay BJMP Chief Supt. Allan Iral, naging maayos ang paggunita sa Semana Santa sa lahat ng kulungan sa bansa.

Kasabay nito, nagpapasalamat si Iral sa mga tauhan ng BJMP na nagbigay ng kooperasyon at pakikiisa para masigurong walang anumang insidente sa Mahal na Araw.

Hindi aniya matatawaran ang sakripisyo ng mga tauhan ng BJMP na hindi nagbakasyon sa Semana Santa para lamang bantayan ang mga kulungan.

Matatandaang itinaas sa full alert status ang buong pwersa ng BJMP para sa Semana Santa.

TAGS: BJMP, BJMP Chief Supt. Allan Iral, Semana Santa, BJMP, BJMP Chief Supt. Allan Iral, Semana Santa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.