LOOK: Kim Chiu, masayang nagdiwang ng ika-29 kaarawan sa Quezon

By Angellic Jordan April 21, 2019 - 05:03 PM SHARE(S):
Photo grab from Kim Chiu’s Instagram account

Masayang nagdiwang ang aktres na si Kim Chiu ng kaniyang ika-29 kaarawan sa probinsya ng Quezon.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kim ang mga larawan ng kaniyang bakasyon sa Balesin Island Club Resort.

Nagpasalamat naman si Kim sa kaniyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta na nakaalala ng kaniyang espesyal na araw.

Sinabi pa ni Kim na isang araw siyang hindi nag-online sa kaniyang social media accounts para alalahanin ang pagsasakripisyo ng Panginoon.

Nagpasalamat din ang binansagang chinita princess sa kaniyang magandang buhay ngayon.

Bumuhos naman ang pagbati kay Kim ng mga kapwa-artista na sina Joj Agpangan, Ina Raymundo, Jake Cuenca, Kevin Balot, Doug Kramer, Jessy Mendiola at ang kaniyang boyfriend na si Xian Lim.

TAGS: 29th birthday, Kim Chiu, Quezon, 29th birthday, Kim Chiu, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.