Mga botante, hinikayat ng Comelec na gumawa ng kodigo sa May polls

(CDN FILE PHOTO/CHOY ROMANO)

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na gumawa ng sariling kodigo para sa nalalapit na May 13 elections.

Ayon kay Comelec commissioner Luie Guia, ito ay para hindi makalimutan ng mga botante ang mga kandidatong iboboto sa nalalapit na eleksyon.

Dagdag ni Guia, sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang pagboto ng isang botante.

Aniya pa, dapat ngayon pa lamang, alam na ng mga botante kung sino ang mga kandidato na karapat-dapat sa pwesto.

Read more...