DENR, binaklas ang drainage pipe sa isang beach sa Palawan
Binaklas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang drainage pipe na nakalagay sa beachfront zone ng Barangay Corong Corong sa El Nido, Palawan.
Ayon kay DENR Region 4 executive director Henry Adornado, ang naturang pipe ay naglalabas ng marumi at mabahong tubig na diretso sa Bacuit Bay.
Nabatid na ang drainage pipe ay pag-aari ni Paul Sepulveda ng Outpost Beach Hostel.
Ayon kay Adornado, pinadalhan na ng notice of violation ang may-ari ng hostel.
Tiniyak naman ng DENR na tuloy ang kanilang pag-iinspeksyon sa mga drainage pipe ng mga establisyemento para masiguro na maayos ang pagtatapo ng dumi at hindi mapupunta sa dagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.