WATCH: PNP, patuloy na nakaalerto kasunod ng pagtatapos ng Semana Santa

Bagmat tapos na ang paggunita sa Semana Santa, mananatiling nakaalerto pa rin ang puwersa ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac na manatiling naka-deploy sa kani-kanilang mga tungkulin ang 90,000 na mga pulis.

Partikular na babantayan ng PNP ang mga bus terminal, sea port, airport at iba pang matataong lugar kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero na pauwi matapos ang bakasyon.

Maari aniyang magtuloy-tuloy na ang alerto ng PNP hanggang sa May 13 elections.

Sa ngayon, sinabi ni Banac na mahigit sa 3,000 na baril na walang kaukulang dokumento na ang nakumpiska ng PNP dahil sa umiiral na election gun ban.

Narito ang pahayag ni Banac:

Read more...