WATCH: Robredo: Ipaglaban ang kalayaan at demokrasya
Ipaglaban ang kalayaan sa kabila ng banta sa demokrasya.
Ito ang naging mensahe ni Vice President Leni Robredo sa publiko sa pagdiriwang ng Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.
Sa in-upload na video message sa Facebook, sinabi ni Robredo na dapat gawing liwanag ang lakas at sakripisyo ng Panginoon para ipagpatuloy ang paglaban para sa kalayaan.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng pagpapahalaga at matibay na paniniwala at pananampalataya bilang isang bayan.
Dapat din aniyang magsilbing paalala sa publiko na mananaig ang kabutihan at pagmamahal sa kabila ng nararanasang kahirapan.
Dagdag pa ni Robredo, gawing makabuluhan ang muling pagkabuhay ng Panginoon sa pagsasabuhay ng kaniyang mga aral.
Sa kabila ng pag pinagdadaanang pasubok, gawin aniyang inspirasyon ang Panginoon para sa paglalakbay sa tagumpay.
Narito ang bahagi ng mensahe ni Robredo:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.