Sunog sumiklab sa tatlong pabrika sa Cabuyao, Laguna

April 21, 2019 - 02:29 PM

Sumiklab ang sunod sa tatlong pabrika sa Cabuyao, Laguna Linggo ng umaga.

Batay sa ulat, nagsimula ang apoy sa pabrika ng mga papel at scrap material ng Paper Mills Incorporated bandang 9:00 ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng Paper Mills Inc., sumiklab ang apoy dahil sa matinding init ng panahon sa kanilang lugar.

Mabilis ang kumalat ang apoy dahil sa lakas ng hangin.

Umabot pa sa ikaapat na alarma ang sunog na tumagal nang halos anim na oras.

Ayon sa Cabuyao City Disaster Risk Reduction Management Office, wala namang nasawi o nasugatan sa sunog.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon sa sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.

TAGS: Cabuyao, laguna, Paper Mills Incorporated, sunog, Cabuyao, laguna, Paper Mills Incorporated, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.