Easter message ni Pang. Duterte mga Pilipino hinimok na magkaisa para sa bansa

By Clarize Austria April 21, 2019 - 12:22 PM

Hinimok ni Pangulong Duterte na magkaisa ang mga Pilipino para sa bansa sa kaniyang inilabas na Easter Sunday message.

Sa mensahe, sinabi ng pangulo na ang Easter Sunday ay isang okasyon na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa lahat dahil inaalala ang sakripisyo ng Panginoon.

Aniya pa, maging panahon sana ito ng bagong simula na pinipili ang mabuti para sa lahat.

Naniniwala rin ang pangulo na ang Easter ay pinagpalang panahon upang ibalik ang mga nawalang koneksyon sa pagpapaunlad ng bayan, lalo na sa darating na eleksyon.

Sana umano ay maging matibay ang intergridad at lumitaw ang totoong nais ng mga tao.

Umaasa rin umano ang pangulo na ang mga kasamaan na dala ng lipunang mapanira na kanilang kinakalaban ay maitataboy ng kanilang matatag na pananampalataga sa Maykapal.

 

TAGS: Easter Sunday, Pangulong Duterte, Easter Sunday, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.