Mag-asawa, patay sa sunog sa Pasig City

fire-defaultPatay ang mag-asawa matapos masunog ang kanilang bahay sa Rodriguez compound number 633 Dakila Street, Barangay Sumilang sa Pasig City.

Matapos maapula ng mga bumbero ang apoy sa nasunog na bahay, natagpuana ng mag-asawa na magkayakap.

Kinilala ang mga nasawi na sina Boy at Lourdes Santos na kapwa 68 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Pasig City, nagsimulang sumiklab ang apoy ala 1:05 ng madaling araw at naapula alas 2:46 ng madaling araw.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na posibleng nagsimula umano sa naiwang nakasinding kandila sa kwarto ng pamangkin ng mag-asawa.

Ayon kasi sa mga kapitbahay ng mga Santos, ilang araw nang walang kuryente sa bahay ng mag-asawa.

Read more...