Lalaki huli matapos umanong manggahasa at mahulian ng armas sa Pasay

By Clarize Austria April 21, 2019 - 08:28 AM

Arestado ang isang lalaki matapos umanong gahasain ang anak ng kanyang kinakasama at nang makuhanan ng mga armas sa Pasay City, Abril 20, Sabado de Gloria.

Kinilala ng Pasay City Police ang suspek na si Rowel Santiago, 47 anyos, residente ng Barangay 188, Zone 20, sa nasabing lungsod.

Ayon sa report na inilabas ng pulisya, dalawang beses umanong ginahasa ni Santiago ang biktima noong Semana Santa.

Nangyari umano ito alas 8 ng umaga ng Palm Sunday, Abril 14, at alas 10 ng gabi ng Huwebes Santo, Abril 18, sa kanilang tahanan.

Nang malaman ng ina ang ginawa sa kanyang anak ay agad itong nagsumbong sa mga otoridad.

Hinuli ng Special Weapons and Tactics Group at Pasay Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) ang suspek sa tahanan nito kung saan nakuha naman ang mga hindi lisensyadong armas.

Narekober ang isang .38 caliber super pistol at empty magazine, M16 rifle, M16 magazine, firearm holster, sniper scope, .22 caliber rifle, dalawang box ng balang .38 caliber, at tig-isang kahong basyo ng 5.56mm rifle at .38 sniper.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng SIDMB ang suspek at mahaharap sa kasong panggagahasa at Illegal Possession of Firearms and Ammunition na saklaw ng Omnibus Election Code.

TAGS: Omnibus election code, Pasay City Police, Pasay Station Investigation Division Management Branch, Special Weapons and Tactics Group, Omnibus election code, Pasay City Police, Pasay Station Investigation Division Management Branch, Special Weapons and Tactics Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.