Kauna-unahang Boao Forum for Asia pangungunahan ni Duterte, Arroyo
Pangungunahan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang kauna-unahang Boao Forum for Asia (BFA) na gaganapin sa bansa ngayong Lunes at Martes, Abril 22 at 23.
Inaasahan na nasa 300 Filipino at Chinese business leaders ang dadalo at makikibahagi rito.
Gaganapin ang nasabing forum sa Bonifacio Global City sa Taguig na may temang “Concerted Action for Common Development in The New Era.”
Dadalo rin si Pangulong Rodrigo Duterte at forum Secretary-General Li Badong sa forum upang magbibigay ng kanilang mga talumpati.
Ang forum na ito ay pagtutulungan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Philippine Exporters Confederation Inc. at ng Chinese Embassy sa bansa.
Si Arroyo ay kasalukuyang Board Member ng BFA at si dating UN Secretary-General Ban Ki Moon ng South Korea ang Chairman nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.