Tradisyonal na salubong para sa Linggo ng Pagkabuhay, tahimik na idinaos sa San Agustin Church

By Clarize Austria April 21, 2019 - 05:45 AM

Nagsagawa ng tradisyonal na salubong para sa Linggo ng Pagkabuhay ang San Agustin Church sa Intramuros, Maynila.

Ito ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng Easter Sunday at paggunita sa huling araw ng Semana Santa.

Nagkaroon ng maliit na programa kung saan may mga batang nakabihis anghel ang sumayaw at kumanta bago ang mismong pagsalubong sa dalawang imahen ni Maria at Kristo.

Mayroon ding ginanap na misa bago ang nasabing salubong.

Walang naging gulo habang isinasagawa ang programa at malinis na iniwan ng mga tao ang pinangyarihan ng salubong.

TAGS: Easter Sunday, Intramuros Maynila., San Agustin Church, Semana Santa, Easter Sunday, Intramuros Maynila., San Agustin Church, Semana Santa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.