Ayon sa ahensya, dapat panatiliing hydrated ang katawan ngayon at huwag na umanong hintaying uhaw na uhaw bago uminom ng tubig.
Kung maaari ay manatili rin sa loob ng bahay sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon kung saan pinakamatindi ang sikat ng araw.
Kapag lalabas naman ng bahay, protektahan ang balat mula sa direktang sikat ng araw upang maiwasan ang sunburn. Maglagay rin umano ng sunscreen kung kinakailangan.
Maari ring magsuot ng sunglasses upang maprotektahan ang mga mata mula sa harmful UV Rays.
Ang paalalang ito ng DOH ay kasunod ng papainit na papainit na panahon ngayong summer season.
MOST READ
LATEST STORIES