Pinakamataas na heat index sa Sabado de Gloria, naitala sa Dagupan
Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na heat index sa Dagupan City, Pangasinan noong Sabado de Gloria, Abril 20.
Sa datos na inilabas ng PAGASA, umabot sa 47.6 degrees Celsius ang temperatura sa nasabing lugar.
Bukod dito, ito pa ang 15 lugar na nakapagtala rin ng mataas na heat index.
Aparri, Cagayan – 43.9
Sangley Point, Cavite – 43.8
Tuguegarao City, Cagayan – 42.9
Cotabato City, Maguindanao – 42.8
Cuyo, Palawan – 42.7
San Jose City, Occidental Mindoro – 42.3
Ambulong, Batanga – 42.2
Maasin, Southern Leyte – 42.2
Roxas City, Capiz – 42.2
Virac, Catanduanes – 42
Calapan, Oriental Mindoro – 41.8
Casiguran, Aurora – 41.7
Tayabas City, Quezon – 41.4
Infanta, Quezon – 41.3
Kaugnay nito, nagbigay paalala rin ang PAGASA na kung maari ay manatili na lamang ang mga tao sa kanilang mga bahay, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng mga lightweight at light colored na damit dahil sa sobrang init ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.