8 patay, 8 sugatan sa aksidente sa Kalinga

By Dona Dominguez-Cargullo April 20, 2019 - 05:01 PM

Photo from Sen. Richard Gordon
Patay ang walong katao habang sugatan ang walong iba pa makaraang mahulog sa bangin ang isang elf truck sa Tabuk City, Kalinga.

Nangyari ang aksidente sa Binongsay Road sa Barangay Malin-awa umaga ng Sabado De Gloria, April 20.

Sa post sa Twitter ni Philippine Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, sinabi nitong agad rumesponde ang mga tauhan ng PRC sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Ang mga nasugatang pasyente ay agad dinala sa Kalinga Provincial Hospital at sa Almora General Hospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente.

Pero sa inisyal na pagsisiyasat ay nawalan umano ng preno ang truck kaya nahulog sa bangin.

TAGS: accident, elf truck, Kalinga, Radyo Inquirer, accident, elf truck, Kalinga, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.