50 bahay nasunog sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo April 20, 2019 - 11:56 AM

Aabot sa 50 mga bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City.

Naganap ang sunog Sabado De Gloria ng alas 5:00 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy at umabot sa ikaapat na alarma.

Naideklarang fire out ang insidente alas 7:39 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Pero karamihan sa mga nasunog na bahay ay walang tao at nasa bakasyon ang may-ari nang sumiklab ang apoy.

TAGS: apolonio samson\, fire incident, quezon city, apolonio samson\, fire incident, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.