Pabrika ng pabango nasunog sa San Juan

Tinupok ng apoy ang isang maliit na pabrika ng pabango sa San Juan City.

Nagsimula ang sunog alas 11:00 ng gabi ng Biyernes Santo, April 19.

Sangkot sa sunog ang isang pabrika ng pabango sa R. Lagmay Street.

Mabilis kumalat ang apoy sa unang palapag at umabot sa ikalawang palapag ng gusali dahil maituturing na highly flammable ang mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng pabango.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang fire out hatinggabi.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Umabot sa P350,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Read more...