Mahigit 7,000 indibidwal naasistihan ng Red Cross ngayong Holy Week
Umabot na sa mahigit 7,000 indibidwal ang naasistihan ng Philppine Red Cross ngayong Holy Week.
Sa datos ng PRC, ngayong umaga ng April 20, 2019, ay umabot na sa 7,205 ang bilang ng mga pasyenteng kanilang natugunan ang pangangailangan.
Sa nasabing bilang, 6,696 na mga pasaher, motorista, pilgrims, at turista ang nagpa-monitor ng blood pressure.
Mayroong 22 pasyente na kinailangang dalhin sa pagamutan matapos na mawalan ng malay, makaranas ng matinding pananakit ng katawan, hirap sa paghinga o head trauma.
Pito sa mga pasyente ang maituturing na major cases dahil nakaranas ng seizure, at bali.
Samantala, mayroon ding 335 na pasyente ang ginamot sa kanilang sugat, sprain, muscle cramps, jellyfish sting at pagkahilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.