BTS kauna-unahang Korean act na nag-top sa UK album chart

By Dona Dominguez-Cargullo April 20, 2019 - 09:16 AM

Nagtala ng panibagong rekord sa music industry ang K-pop sensation na BTS makaraang maging kauna-unahang Korean act na nag-top sa album chart sa Britain.

Ang bagong album ng BTS na “Map of the soul: Persona” ay nanguna ilang araw makaraang magtala din ng rekord sa Youtube ang kanilang single na “Booy With Luv”.

24 na oras matapos iupload sa Youtube ang music video ng nasabing single ay umabot sa 74.6 million ang hits nito.

Ang nasabing kanta ay nasa number 13 din ng British Top 15 single.

Bago ito, ang BTS din ang naging kauna-unahang K-pop band na nag-top sa US album charts.

TAGS: BTS, Kpop, UK Album Chart, BTS, Kpop, UK Album Chart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.