Tambak na basura naiwan matapos ang Alay Lakad sa Antipolo

By Dona Dominguez-Cargullo April 19, 2019 - 01:32 PM

Naiwan ang tambak na mga basura matapos ang taunang Alay Lakad sa Antipolo City sa Rizal.

Sa mga larawan na ibihagi sa Facebook ng user na si Kae Rivera, makikita ang mga basurang nakatambak sa mga dinaraanan ng lumahok sa Alay Lakad.

Sa hagdan paakyat sa pintuan ng Our Lady of Peace and Good Voyage Church ay may mga nakatambak na empty water bottles, food wrappers, plastic bags, styrofoam cups, paper plates at iba pang basura.

Binatikos ni Rivera ang mga walang disiplinang nagtapon ng basura.

“Sa mga lumalahok po sa Alay Lakad sa Antipolo. Hindi po isang malaking basurahan ang aming simbahan,” ayon sa post ni Rivera.

TAGS: Alay Lakad, Antipolo, Holy Week, Alay Lakad, Antipolo, Holy Week

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.