Bahagi ng Quezon Blvd. sa Maynila isasara mamayang hapon para sa idaraos na prusisyon

Magpapatupad ng road closure sa bahagi ng Quezon Boulevard sa Maynila para sa idaraos ng prusisyon ng Santo Entierro at Mater Dolorosa.

Sa abiso ng Manila Police District Traffic Bureau, isasara ang northbound lane ng Quezon Boulevard mula sa Quezon Bridge hanggang G. Puyat Street.

Sisimulan ang closure mula alas 4:00 ng hapon.

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang sasakyan na MacArthur at Jones Bridge na lamang dumaan kung patungo ng Taft Avenue at P. Burgos.

Inabisuhan din ang mga motorista na magpapatupad ng stop and go traffic scheme sa iba pang kalsada na daraanan ng prusisyon.

Read more...