Rapper na si Kodak Black naaresto sa Canadian border
Naaresto ang rapper na si Kodak Black sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at ilegal na armas kasunod ng pagtatangka nitong tumawid sa border ng Canada at United States.
Sakay si Black ng kotse kasama ang dalawang iba pa nang sila ay maharang ng mga otoridad.
Si Black na Bill Kapri ang pangalan sa totoong buhay ay nakatakda umanong mag-perform sa Boston noong Miyerkules ng gabi.
Nakuhanan umano si Black ng marijuana at Glock 9mm pistol na may mga bala sa kaniyang sasakyan.
Wala ding nakuhang permit mula sa rapper para sa nasabing baril.
Dahil dito dinakip ang 21 anyos na rapper sa kasong may kaugnayan sa second-dregree criminal possession of a weapon at unlawful possession of marijuana.
Si Black ay dati na ring may kaso sa South Carolina na may kaugnayan naman sa sexual misconduct.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.