4 arestado sa buy-bust sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo April 19, 2019 - 08:04 AM

Arestado ang limang suspek sa ilegal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operations sa Makati City.

Unang isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Woodpecker St., sa Barangay Rizal kung saan nadakip ang isang 42 anyos na babaeng suspek.

Nakuha sa kaniyang ang 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa Casino St. kanto ng Bautista St. sa Barangay Palanan nadakip naman ang 27 anyos na pedicab driver.

Ang ikatlong operasyon naman ay ikinasa sa Fortuna St. Brgy. Olympia, kung saan aabot sa tatlong suspek ang nadakip.

Sa tatlong operasyon, umabot sa 19 na sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad.

TAGS: buy bust operation, makati city, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust operation, makati city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.