P500K na halaga ng illegal na droga nakumpiska sa buy-bust sa Antipolo; 3 arestado

By Dona Dominguez-Cargullo April 19, 2019 - 07:59 AM

Photo from Rizal PPO
Arestado ang tatlong katao sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang mga nadakip na sina Dominic Lacanal, 34 anyos; Rodolfo Lacanal, 40 anyos at Joel Pe, 37 anyos pawang residente sa Antipolo.

Ayon kay Rizal Provincial Director Police Colonel Lou Frias Evangelista isinagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Antipolo City Police at Rizal – PDEA team target si Dominic.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Maliban sa nabiling shabu, nakuhanan din si Dominic ng isang itim na sling bag na may lamang caliber 45 na baril, isang magazine na may pitong bala, isang brick ng pinatuyong marijuana, pouch at mga shabu.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang street value ng mga ilegal na droga na nakumpiska sa suspek.

Nadatnan din sa lugar ang dalawa pang suspek.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 may kaugnayan sa Omnibus Election Code.

TAGS: Antipolo City, buy bust, War on drugs, Antipolo City, buy bust, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.