Mahigit 80 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Rodriguez, Rizal
Aabot sa 85 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa bayan ng Rodriquez sa lalawigan ng Rizal.
Naganap ang sunog Huwebes Santo (Apr. 18) sa Sitio Palyasan sa Barangay Burgos.
Ang mga pamilyang nasunugan, sa covered court ng Burgos Elementary School nagpalipas ng gabi at doon na rin gugugulin ang Semana Santa.
Agad namang inasistihan ng mga tauhan ng Municipal Health Office at Municipal Social Welfare and Development Office at volunteers ang mga nasunugan.
Umapela din ng tulong sa mga residente sa bayan ang lokal na pamahalaan para sa mga nasunugan
Maaring magbigay ng mga pre-loved clothes o gamit ang para sa mga nasunugan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, higit na kailangan ang mga sumusunod:
-damit at short na pambata
-damit at short na pang matanda
-feeding bottles
-banig,kumot at unan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.