4 na sakay ng motorsiklo na mag Visita Iglesia, patay sa aksidente sa Tarlac

By Len Montaño April 19, 2019 - 02:07 AM

File photo

Patay ang 4 na sakay ng motorsiklo na papuntang Pangasinan para mag Visita Iglesia matapos silang salpukin ng isang trak sa Brgy. San Isidro, Paniqui, Tarlac Huwebes Santo.

Binabaybay ng mga rider ang lansangan at papunta ang mga ito sa Manaoag Church nang banggain sila ng trak sa naturang bahagi ng Tarlac.

Dead on the spot sina Marlou Mendoza at Ronnel Hernandez. Patay rin ang angkas nilang 16 anyos na biktima at ang isang Annabelle Santos.

Sugatan ang apat na iba pa na sina Loverich Dela Cruz, Analizabeth Hipolito, Ernard Fresnido, at Raquel Buama.

Nabatid na taon taon ay tradisyon na ng naturang grupo ng mga riders ang Visita Iglesia tuwing Holy Week.

Mula Macabebe, Pampanga ay papunta sana ang mga riders sa Manaoag, Pangasinan nang mangyari ang aksidente.

Samantala, arestado ang driver ng trak na si Andres Bobis na inaming nakaidlip siya dahil mula Laguna pa ang kaniyang biyahe.

Humingi ito ng paumanhin sa mga biktima at hindi umano nito sinasadya ang pangyayari

Nahaharap si Bobis sa mga kasong multiple homicide, multiple physical injuries at multiple damage to property.

TAGS: aksidente, Holy Week, Manaoag, motorsiklo, nakaidlip, riders, Tarlac, trak, Visita Igleasia, aksidente, Holy Week, Manaoag, motorsiklo, nakaidlip, riders, Tarlac, trak, Visita Igleasia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.