Nagsimula na ang mga deboto sa kanilang Alay Lakad papuntang Antipolo City, Rizal na isang tradisyon tuwing Semana Santa.
Huwebes Santo ay daang-daang katao na ang naglakad sa kahabaan ng Sumulong Highway at Ortigas Avenue para sa prusisyon na nagsimula sa Our Lady of Peace and Good Voyage at magtatapos sa Antipolo Cathedral.
Ilang deboto ang tumigil sa Stations of the Cross na inilagay sa kalsada.
Namigay naman ng libreng tubig at pagkain ang ilang volunteer groups.
Bukas magdamag ang mga tindahan na dinaraanan ng mga deboto.
Tiniyak ng mga opisyal ng Barangay Mambugan na nakamonitor sila sa Alay Lakad para maiwasan ang anumang masamang pangyayari.
Samantala, isinara sa mga motorista ang lane ng Ortigas Avenue Extension na papuntang Antipolo City para may madaanan ang mga tao.
Pero bukas sa daloy ng trapiko ang parehong lane ng Sumulong Highway bagamat sinabi ng mga opisyal ng barangay na posibleng obligahin na iwan na lang ang sasakyan sa bahagi ng Sumulong Highway na papuntang Manila.