Magkapatid na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang arestado sa San Juan

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 04:43 PM SHARE(S):
EPD Photo
Arestado sa buy-bust operation ang magkapatid sa San Juan na dati nang kapwa sumuko sa Oplan Tokhang.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnaldo Gallardo, 55 anyos at nakababata niyang kapatid na si Arnel, 50 anyos na kapwa nakatira sa Brgy. San Perfecto.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director, P/BGen. Chistopher Tambungan, notoryus na tulak ng ilegal na droga ang magkapatid.

Isinagawa ang operasyon matapos ang isang linggong surveillance ng San Juan Police laban sa Gallardo brothers.

Positibong nakabili ng P500 halaga ng ilegal na droga ang poseur buyer sa dalawang suspek.

Nakuha sa kanila ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ang dalawa ay kapwa na sumuko sa Oplan Tokhang sa San Juan.

Kapwa sila mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 26 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, san Juan, War on drugs, buy bust, san Juan, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.