Self-confessed drug lord na si Franz Sabalones patay sa pamamaril sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 03:01 PM SHARE(S):
CDND Photo
Nasawi sa pamamaril ang self-confessed drug lord na si Franz Sabalones.

Si Sabalones ay tinambangan ng hindi nakilalang mga suspek sa Timog Avenue, Quezon City madaling araw ng Huwebes Santo, April 18, 2019.

Kinumpirma ito ni Police Colonel Manuel Abrugena, hepe ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), sa pamamagitan ng text message sa Cebu Daily News Digital.

Si Sabalones ay pinaghahanap ng pulisya sa Cebu.

Umamin si Sabalones na siya ay “big-time” supplier ng illegal droga.

Kamakailan, ilan sa kaniyang tauhan at kanang-kamay ang nasawi sa magkakahiwalay na police operations at insidente ng pananambang.

TAGS: cebu, drug lord, Franz Sabalones, quezon city, cebu, drug lord, Franz Sabalones, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.