6 patay sa sunog sa Compostela Valley

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 02:43 PM SHARE(S):

Patay ang anim na katao sa sunog na naganap sa isang bahay sa bauyan ng Maco sa Compostela Valley, Huwebes (April 18) ng madaling araw.

Ayon kay Randy Loy, provincial disaster action officer, nangyari ang sunog alas 4:00 ng madaling araw sa Adecor compound sa Brgy. Poblacion.

Ayon kay Loy ang mga biktima ay nakilalang sina Carmen, Ian at Janjan na pawang Bilucora ang apilyido.

At isang anim na buwang gulang na sanggol at dalawang iba pa na hindi pa nakikilala.

Nabigo umano ang mga biktima na makalabas ng nasusunod na bahay dahil napapalibutan ito ng grills.

Umuupa lamang umano sa nasabing bahay ang pamilya Bilucora.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: compostela valley, fire incident, Radyo Inquirer, compostela valley, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.