Ina ni Gary Valenciano pumanaw sa edad na 84

Pumanaw na sa edad na 84 ang ina ni Gary Valenciano na si Grimilda Ortiz.

Inanunsyo ni Gary V ang pagpanaw ng ina sa kaniyang Instagram Account.

Ayon kay Gary V ang kaniyang ina ay pumanaw sa sakit na pneumonia, congestive heart failure at H1N1 flu.

Sa Orlando sa USA pumanaw si Ginang Ortiz alas 12:42 ng madaling araw oras sa Pilipinas.

Read more...