LOOK: Mga tauhan ng Valenzuela City Police Station nag-“Bisikleta Iglesia”

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 01:42 PM SHARE(S):
Valenzuela City Police Photo
Lumahok sa taunang “BIsikleta Iglesia” ang mga tauhan ng Valenzuela City Police Station.

Sa pangunguna ni Pol. Col. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela City Police Station, isinagawa ang “6thBisikleta Iglesia” at binisita ang 14 Stations of the Cross na inilagay sa iba’t ibang simbahan sa lungsod.

Sinimulan ang aktibidad sa harapan ng istasyon sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabasbas sa pamumuno ni Fr. Roman Carreon, Parochial Priest ng San Joseph Parish Church, Punturin, Valenzuela City.

Maliban sa mga pulis, lumahok sa aktibidad ang tinatayang nasa 450 na bikers mula sa iba’t ibang grupo.

TAGS: Holy Week, Valenzuela City Police, Visita Iglesia, Holy Week, Valenzuela City Police, Visita Iglesia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.