16 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasig City

Arestado ang 16 na katao at aabot sa P251,600 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga otoridad sa Pasig City.

Sa Barangay Pinagbuhatan, nadakip ang anim na suspek nang isilbi ng pinagsanib na pwersa ng Pasig police station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang search warrant sa Villa Monique, Phase 1 sa nasabing barangay.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Dante Medez, 50; Irish May Agustin, 24; Jil Jimenez, 40; Paolo Villaruel, 36; Jeffrey Villaruel, 45; at Michael Laron, 34.

Nakuhanan sila ng 10 gramo ng shabu na mayroong halaga na P68,000.

Samantala, limang suspek din ang nadakip sa hiwalay na operasyon sa Villa Monique, Phase 1.

Kinilala ang mga ito na sina Arvin Calpito, 47; Jerry Qulobe, 46; Ramon Jimenez, 47; Jommel Quijano, 31; at Kevin Quijano, 24.

Nakuhanan naman sila ng aabot sa 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600 at drug paraphernalia.

Samantala, naaresto naman ang mga suspek na sina Norman Salik, 38; Mapandi Joharah, 23; Jalil Anowar, 32; Jalil Rasmai, 37; at Elias Mohammad Salih, 20, sa San Agustin Street sa nasabi ring barangay.

Nakuhanan naman sila ng 102 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P102,000 ang halaga, drug paraphernalia, at dalawang cellphones.

Dinala sa Pasig police station ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...