29 na turista patay sa aksidente sa Portugal

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 01:08 PM SHARE(S):
AFP Photo

Nasawi ang 29 na German tourists sa aksidenteng naganap sa Madeira Island sa Portugal.

Naaksidente ang sinasakyang bus ng mga turista at nahulog sa hillside ng binabagtas nitong kalsada.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa nasawi ay edad 40 hanggang 50.

Kabilang sila sa milyun-milyong mga turista na dumarayo sa isla taun-taon.

Sa 29 na nasawi, 28 ay dead on the spot habang ang isa ay nasawi sa ospital.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang 21 na naitalang sugatan at ginagamot sa ospital.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Portuguese President Marcelo Rebelo de Sousa.

Tinawagan naman ni Portuguese Prime Minister Antonio Costa si German Chancellor Angela Merkel para ipahatid ang kaniyang pakikiramay.

TAGS: accident, bus accident, german tourists, Portugal, tourists, accident, bus accident, german tourists, Portugal, tourists

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.