DOH may payo sa mga magsasagawa ng Visita Iglesia

Naglabas ng Semana Santa Health Tips ang Department of Health (DOH) lalo na sa publiko na magsasagawa ng Visita Iglesia ngayong Holy Week.

Ayon sa DOH, dahil tradisyon na sa maraming Pilipino ang mag-Visita Iglesia tuwing Mahal na Araw, mahalagang alamin at sundin ang mga sumusunod na tips upang maging malusog, maayos, at mapayapa ang paggunita sa Semana Santa.

– Gumamit ng payong kung hindi maiiwasang magbilad sa araw
– Magsuot ng kumportableng damit sa pakikiisa sa Visita Iglesia at Station of the Cross
– Uminom ng sapat na tubig para maiwasan na ma-dehydrate
– Magdala ng tubig at pagkain para maiwasan ang pagkahilo dulot ng dutom
– Siguraduhing hindi mabilis mapanis ang dalang pagkain
– Itapon ang basura sa tamang lalagyan
– Kung magdadala ng bata, siguraduhing may kasamang nakatatanda. Maglagay ng impormasyon sa bulsa ng bata kung saan maaring makipag-ugnayan sakaling mawala ito.

Read more...