Pangulong Duterte, mga miyembro ng gabinete pahinga ngayong Holy Week

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 12:52 PM SHARE(S):

Pahinga ang mga opisyal ng Malakanyang ngayong Holy Week kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pangulo ay gugugulin ang kaniyang Lenten break sa hometown niya sa Davao City.

Ayon naman kay Executive Sec. Salvador Medialdea sinubukan niyang magtungo ng Baguio City ngayong Huwebes Santo gayunman, inabot siya ng matinding traffic sa North Luzon Expressway (NLEX).

Si Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sa Davao City din gugugulin ang Holy Week kasama ang pamilya.

Aniya gagawin nila ang tradisyunal nilang ginagawa gaya ng Visita Iglesia, Way of the Cross at Easter Sunday get together.

Si Communications Secretary Martin Andanar naman ay magpapahinga sa Siargao kasama ang maybahay at kanilang anak.

Habang si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay nais magtulog ngayong Holy Week.

Magsasagawa din siya ng Visita Iglesia at meditations.

TAGS: cabinet members, cabinet officials, Holy Week, president duterte, cabinet members, cabinet officials, Holy Week, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.