Nakapagtala ng halos 30,000 pasahero ang Philippine Coast Guard sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Sa datos ng PCG sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019, mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga, ay umabot sa 29,910 ang naitalabg bumiyaheng pasahero.
Narito ang bilang ng mga pasaherong naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa:
Central Visayas – 7,363
Southern Tagalog – 10,545
Romblon – 2,676
Western Visayas – 2,839
South Eastern Mindanao – 438
Bicol – 1,230
Northern Mindanao – 3,285
Eastern Visayas – 2,699
Southern Visayas – 1,511
Magpapatuloy ang monitoring ng coast guard sa mga humibiyaheng pasahero hanggang sa makatapos ang Semana Santa.
MOST READ
LATEST STORIES